Hindi ko namalayan ang oras at 8:00 AM na pala. Pupuna ako ng school ngayon, at ang usapan 8:00, hehe. Byahe pa ako, so malamang late na naman ako. Todo kasi ako mag edit ng tumblr account ko, gusto ko maganda na bago ko iwanan, kaya lang late na talaga ako. So mamaya nalang paguwi ko
Kakainis naman yung Friendster hindi ko tuloy ma view yung profile ko mga 4 days na Ewan ko kung bakit? kakainis talaga. Anyways, Monday na bukas. Back to normal, gagawa kami ng thesis and then sa Tuesday naman, diretso sa school para mag pa consult sa adviser namin. Bakasyon pero ang dami naming ginagawa. Ewan ko ba, asar na asar talaga ako sa adviser namin ang galing nyang magpahintay ng 7 hours pero hindi nya din kami ico-consult Hindi lang isa, maraming beses nang ganyan sya. Eh sino ang kawawa? kami pa din. Waaah, sana matapos na talaga thesis, magpapainom ako!!
I’m so proud proud sa sarili ko (nyahaha) For the 2nd time, sumali ako ng cheering. Super memorable talaga nitong cheering na to’ sympre sumali ako dahil last na talaga yun wala na akong cheering na sasalihan pa ulit. Sumali ako nung 2nd yr, yes nag champion kami then nung 3rd yr. nag backout naman ako. Then itong Senior, whew! sumali na talaga ako (at nag champion ulit kami) last year ko na ito sa college, kaya as much as possible I want to make my remaining months as a senior na memorable talaga hala, lahat na, sinalihan ko, pati Basketball (Women)
Super, nakakamiss yung team, yung nabuong friendship saming lahat. Yeah, 2 weeks lang kaming nag practice, 2 weeks lang kaming nagkasama-sama pero iba talaga, yung hirap sa practice, yung pagod, pawis. Yung bonding, grabe talaga! nakakamiss, nalulungkot tuloy ako Sobrang namimiss ko silang lahat. Lalo na yung choreo namin na si Sir Macky saludo kami sa patience nya samin. I know, mahirap kaming turuan kasi hindi kami professional na cheer dancer like him, pero sya the best talaga magturo. And FYI, kasali sya sa FEU Cheering Squad, ang galing galing talaga
Share ko sainyo yung video ng cheering namin
Sorry sa quality, cellphone video lang ang ginamit dyan.
(Mahanap nyo kaya ako kung san ako dyan? Haha)
His name is Hayden Reilley born on the 24th of August, 2008 weighing 5lbs and 19 inches long. Now he is 1 month, 16 days old and weighing 10.2lbs (ang bigat!)
Yey! sa wakas ang tagal kong hinitay na mapasakin ang startastik.net Super thank you kay Ate Lai and sympre sa kuya na nag lend pa talaga ng pera, sabi ko kasi bibili ako ng new domain, wala kasi akong pera sa ngayon (sa ngayon ha! hehe,) So anyways, ayun na ang gagamitin kong domain. Aayusin ko na muna lahat ng files ko ang hirap na naman maglipat, so hopefully maayos ko na maaga tutal semestral break naman namin ngayon
Mamaya, tapos ko na to, bago matulog
Thanks sa mga dumalaw na at nakaalala sakin, hehe!
Mwuah
**********
Yes, andito na ako sa new domain!
I love love.